Taguan, Shato, Langit-Lupa, Patintero, Agawan-Base, Tumbang Preso. Iyan ang mga nagpapaligaya sa akin noon. Kaunting alok ng barkada na maglaro ay agad na akong sasama para makisaya sa kanila.Pero sabi nga nila ay merong bagong darating sa buhay mo sa ayaw mo man o sa gusto, kailangan mong iwan ang ibang laro para makisaya sa iba pang laro.
Dumating ang pagkakataon na ginusto kong sumubok na magpaandar ng isang bisikleta. Sa una ay nakakatakot, mahirap humanap ng tamang balanse, delikado, parang nakakasugat at nakakasakit kung sakaling tumumba ka habang nakasakay ka sa kanya.
Pero sinubukan ko pa din ang pagmamaneho nito, masaya at magaan sa pakiramdam, pero dahil sa unang beses ko nga ang paandarin sya ay hindi talaga naiwasan ang pagbagsak ko, nasugatan ako at nasaktan, pero hindi ako umiyak dahil natatakot akong pagtawanan ng mga kaibigan ko.
Dumating ang mga saklolo, pinayuhan ako na wag ko na daw tangkain ang sumubok pang magpaandar ulit ng bisikleta, dahil baka matumba daw ako ulit at masugatan at masaktan, eh paano naman kung hindi?
Dumating ang pagkakataon na gumaling na ang sugat ko, at lumiliwanag na naman sa isip ko ang sumubok ulit magpaandar ng bisikleta, siguro ay hindi na muna ako makikinig sa mga payo nila, hindi na ako magdadalawang isip na sumubok ulit sumakay sa bisikleta at paandarin ulit ang dating nagpaligaya sa akin.
Ganito din pagdating sa buhay at sa kahit anumang bagay. Wag kang papadaig sa mga takot mo.
Kaya ako, susubok lang ako ng subok. Matututunan ko din ito. c",)