Pakiramdam ko, isa akong mabuting kaibigan para sayo, kaya kong makinig sa lahat ng kwento mo, sa problema mo o sa lahat ng masasayang nagdaan sa buhay mo.
Dahil kaibigan mo ako, dapat lang na maramdaman mong pwede mo akong lapitan sa oras ng pangangailan mo, pwede mo akong bulungan ng mga hinaing mo, pwede mong sabihin sa akin ang mga problema mo at lahat ng mga gumugulo sa utak mo. Ibibigay ko pa sayo ang balikat ko kung sakaling gusto mong magpahinga kahit sa konting saglit. Sige lang at isandal mo ang ulo mo sa balikat ko.
Nandito lang ako, pwede mong matakbuhan sa lahat ng oras, dadamayan kita sa oras ng iyong pangangailangan, kaibigan kita at iyon lang ang nararapat.
Ganyan ba ang nakita mo sa akin? Feeling mo ba isa ako sa mga kaibigan mong handang umalalay sayo? Pagod ka na ba at walang mapaglabasan ng sama ng loob mo? Gusto mo bang hiramin ang balikat ko at magpahinga kahit sandali?
Kanina, nakasabay at nakatabi kita pasakay sa van galing sa ating trabaho, halatang pagod ka din sa trabaho kagaya ko, hindi kita kilala kaya naman hindi kita pinapansin. Pero bakit habang umaandar ang sinasakyan natin ay nagpipiling ka ng close sa akin, ibinubulong mo na sa tenga ko ang lahat ng problema mo, hindi nga lang kita maintindihan, naitanong ko na lang sa sarili ko, ngongo ka bang talaga? ZZZzzzzz ang sabi mo.
At talagang nilubos mo na, nakihiram ka pa ng balikat at ginawa mo pa itong sandalan. Medyo naiirita na ako, naiinitan at nabibigatan. Habang patagal ng patagal ay palalim ng palalim ang tulog mo kaya naman pabigat ka ng pabigat at ako naman ay papikon na ng papikon.
Hindi mo yata naintindihan ang sinabi ko kanina, ang sabi ko ay handa akong dumamay sa mga kaibigan ko hindi sa kahit kaninong gusto lang gawing tulugan ang balikat ko. Badtrip ka!
Anlaki mo pa naman at ang bigat mo, para kang si damulag na kaaway ni Novita.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
32 Comments:
Haha! Akala ko isang emo post ito. Hindi pala. Galit post! HAHA!
Wuhaaaaaaaaaaaaaaat?!!!!! Omay! Bkit? Sinabi nang sandalan hndi unan.hahaha Ikaw kasi eh, maxado kang mabait?! Eh baka nman cute gal yan?! ;D
papa kheed, pa sandal nga sa matipuno mong balikat ahehe... lols, wag ka na mapili, pano kung super ganda ang inantok at sumandal sa iyo, iiilag mo pa ba ang balikat na yan? :)
haha ang msaklap pa nun may tumulong laway,lols
teka ano bang meron sa braso at ansarap atang matulog dyan?hehe
kelangan talaga gawan ng post yung nakigamit ng balikat mo ha
Hi! I’m new with your blog, nice site! Can we exchange link?
I have added your link on my blog. Thank you.
Sana pre hinintay mong maglaway lolzz
Bad trip nga yan, walang pakealam sa katabi :D
kala ko kung anu na...ang gnda ng simula sa dulo may halong katatawanan...
nice!
yaan mo ng may sumandal sau minsan, atleast maramdaman mo ang bigat nila...(lolz)
astig nun ah .. kunyare close kau
Haha nice parekoy galing mo talaga
@Camille akala mo mag eemote na naman ako, syempre hindi hehe
@Solo mabuti nga sana kung cute cal eh, kaso hindi naman.. anlaki nyang mama at namamawis pa. tsk!
@Anthony sana nga merong super ganda na manghiram ng balikat ko, bibigay ko sa kanya pati katawan ko haha
@Sablay mabuti na lang talaga at walang laway, kung hindi duduraan ko din sya haha
ano meron sa braso ko? wala naman, talagang pagod lang siguro ang mokong
@Gill syempre naman, wala naman akong pinipiling ikwento eh..
@Quotes welcome to the world of blogging.
@CM hindi ko na hihintayin yung paglalaway nyo, baka kung ano pang magawa ko sa kanya
@Kolehiyala feeling nya close kami, asa sya! haha
@Bhing haha oo hinayaan ko na langa sya eh, pagod na pagod din kasi, badtrip lang din kasi pareho kaming pagod.
@Jettro salamat sa papuri.
aray ko sino na naman pinapatamaan nito!
kuya gusto mo lgyan natin ng chords?? tipahin, irecord tas padala natin sa umaway sau. syempre para special, may kasamang bomba! bwahahaha!
kaw naman di pa naman tunulo laway...hehehe, kasi siguro feel nia ang sarap mong sandalan..Cute ba? or a-cute?
Baka type ka nya. hehe . naku, pinilano nya yun. :)
hahaha.. anu ba yen boy?! sana itinulak mu! haha.. ako din pasandal, pero wag mo kong itutulak ha? hehe.. :)) anong itsura nung sumandal? haha
@Jin hindi ikaw yan, haha hindi naman kita nakakasabay sa Van eh.
@ate chenn hindi nya naman po inaway, pinabigatan nya lang po ako hehe
@night end light acute tsong, ang taba pa at amoy pawis hehe
@acrylique haha manong po sya, ang laki laki nya tapos ang liit ko, naiisip mo ba yun? hehe
@kox itinulak? hehe ang laki nya baka maumbop ako hehe. kamukha nga ni damulag.
haha ok lang yan basta ba walang laway eh,..haha
hehe naalala ko tuloy yung kantang sandalan
TOP FIVE MOST NOTABLE WRESTLERS BY FASHION
wag ka namang gnyan doraemon! heheh
FREDDIE AGUILAR SAYS CHARICE AND ALAN PINEDA ARE MONKEYS?! REACT NOW! @ http://www.kumagcow.com & http://techcow.blogspot.com
hehehe wag masyadong high blood lolo kheed..hehehe lagi ko ring nararanasan yan..^__^
ahh sa jeep cguro ngyari to.. or sa mrt.. or sa bus.. hahaha! gumana lang imagination ko kuya :)
wenks...katuwa... ahehehe... buti na lng inde tulo laway...nyahahaha... ;0
@adz mabuti nga walang laway, kasi kung meron baka hindi na sya magising haha
@blue sandalan ng six cycle mind, hindi naman kasi naging sandalan eh, naging tulugan talaga hehe
@kumag hala hindi naman ako si doraemon hehe
@atejaid ano namang ginagawa mo pag nararanasan mo yan? nakakainis noh?
@chennn hindi ka man lang tumama, sa van yan ate chennn mali ang imagination mo hehe
@superG talagang mabuti at hindi tulo laway hehe
unti unti na kong nakakaita ng sandalan dahil sa blogging hehhehe
jason mabuti naman at meron ka ng nasasandalan, natutuwa akong malaman yan..
hindi naman kasi ako nagvavan.. madaya.. hahaha!
Post a Comment